Ipinamalas ng Instituto Estetico Manila - A ang matinding katatagan matapos umahon sa bingit ng kabiguan upang biguin ang matibay na Braganza sa dikdikang 22-25, 25-22 at 35-33 panalo nitong Sabado sa pagsisimula ng 1st Quezon City Pride Volleyball Cup sa Amoranto Sports Complex.

Kinailangan ng IEM na mag-init sa ikalawang set upang itabla ang laro at magliyab sa ikatlo sa pagpalo ng power kills upang agawin ang laban at itala ang pinakaunang panalo sa dalawang araw na torneo na inorganisa ng Quezon City government para sa mga atleta na kabilang sa LGBT community.

Mainit na nagsimula ang Braganza sa simula ng ikalawa at sa nakakahindik na ikatlong set bago na lamang humugot ang Volley Masters sa itinatago nitong malalakas na spike mula kina Alex Goyal, Michael Aranzamendez at Reyvic Cerilles para sa panalo.

Naging madali naman ang laban ng kapatid nitong IEM-B na agad winalis ang dalawa nitong laban sa tulong ng mataas nitong frontline nina Rimney Morales at Edward Arroyo para sa 25-14, 28-26 panalo sa Stallion, kasunod ang 25-18-, 25-13 dominasyon sa Pink Warriors A.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pinasalamatan ni QC Councilor Mayen Juico, nanguna sa gender equality ordinance sa lungsod, ang mga kalahok na aniya’y malalakas ang loob para harapin ang katotohanan sa buhay. - Angie Oredo