Eugene Domingo

MAGDADALAWANG taon na simula nang ibinalita ni Eugene Domingo na magreretiro na siya sa paggawa ng mga pelikula. Ngayon, iba na ang kanyang “state of mind.”

Sa presscon ng Dear Uge, ang kauna-unahang comedy-anthology sa Philippine TV, ayon sa GMA-7, sinabi niyang balik siya sa pag-arte at maaaring makagawa siya ng isa o dalawang pelikula ngayong taon.

Bilang Urbana Genoveva Esperanza sa Dear Uge, ‘di lang siya magiging tagapayo hinggil sa mga suliranin sa pag-ibig kundi magiging artista rin. Sa bagong show niyang ito, mayroon siyang website na nagbibigay ng mga payo tungkol sa pag-ibig sa kanyang mga manunulat. May drama o “re-enactment” ang kanyang serye na makakatrabaho niya ang iba’t ibang artista ng Kapuso Network.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“What’s exciting about this is every episode I get to play a cameo role which is very exciting because hindi alam ng mga co-actors ko how I will perform the role. It is exciting also kasi pati sila makakapaglaro,” kuwento ni Eugene.

Isa sa mga nakakatuwang aspeto ng Dear Uge ang pagkuha ng “thespians” o mga artistang taga-teatro para gumanap sa iba’t ibang roles sa bawat episode.

“One of our objectives na mag-invite at makasama ang mga mainstream actors at mga thespians sa isang show na napakasaya tulad ng Dear Uge. That’s my request with GMA-7, to invite thespians to really shine also along with our popular actors, to give them a chance to shine as well,” dagdag niya.

Malugod din niyang ibinalita na makakatrabaho niya ulit sa pelikula sina Cris Martinez at Marlon Rivera na nakatrabaho niya sa Ang Babae Sa Septic Tank, ang highest grossing Filipino independent film noong 2011. Dito rin siya nakakuha ng maraming nominasyon at mga parangal—dito at sa ibang bansa.

“I think it’s going to be a part two of Ang Babae Sa Septic Tank but I can’t reveal the title yet. Because we have been through a lot, Marlon, Chris and I after doing Ang Babae Sa Septic Tank I think we really fell into the shit so we have to make  a movie about it. What we realized, what we went through, where we are now. So it deserved to be seen in the movie,” paliwanag niya.

Pang-apat na ang Dear Uge sa orihinal na serye na naibigay kay Eugene Domingo ng GMA7, nauna na ang Comedy Bar, Call Center, at ang Celebrity Bluff. Season break lang daw ang Celebrity Bluff at hindi tuluyang mawawala, sabi ni Uge. Lubos siyang nagpapasalamat sa tiwala ng network sa kanyang kakayahang itayo sa ere ang mga orihinal na shows na ito kasama na ang Dear Uge.

“I’m very excited about this project. I’m very thankful sa GMA-7 because it is another original concept. Nagpapasalamat ako sa GMA-7, sa mga creative writers na binibigyan ako ng mga original concepts na mga projects like this is the first in Philippine television and it is such an honor. Excited ako and that’s very important,” saad niya.

Hindi lang siya masaya sa bago niyang show, masaya rin siya sa itinatakbo ng kanyang showbiz career. At napagtanto niyang magpapatuloy lang siya bilang isang artista para sa mga tao.

“Of course I’m 44 years old and I’ve been here for 25 years. I have been a bit player to a star to a chill, to a flop, to a steady but I’m still here. Why am I still here? Maybe I deserve to be here. So I’m just going to take the opportunity to be a blessing to people because I want to make you happy. That’s all. And while I’m doing it I’m going to be happy too,” wika ni Eugene.

Kasama si Divine Grace Aucina bilang sidekick, ipapalabas ang Dear Uge simula sa February 14 pagkatapos ng Sunday Pinasaya. (Walden Sadiri M. Belen)