Patay ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), na sangkot umano sa pagdukot sa mga turista sa Sipadan, Malaysia noong 2000, sa inilunsad na operasyon ng militar sa Indanan, Sulu.

Kinilala lamang ni Brig. Gen. Alan Arrojado, Joint Task Group Sulu commander, ang napatay na bandido sa pangalan “Haber,” na gumagamit din umano ng alyas na “Abu Qudama.”

Napatay si Haber ng mga sundalo sa special intelligence operations sa Sitio Annur, Barangay Buanza, Indanan, Sulu, dakong 10:30 ng umaga kahapon.

Sinabi pa ni Arrojado na armado ng search warrant ang mga sundalo na tumutugis kay Haber kaugnay ng pagkakasangkot umano nito sa pagdukot sa 21 katao, kabilang ang 10 Malaysian, siyam na European, at dalawang Pinoy sa isang resort sa Sipadan Island sa Sabah, Malaysia noong Abril 2000.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bukod dito, inuugnay din ng militar at pulisya si Haber sa kidnapping na nangyari noong Mayo 2001 sa Pearl Farm sa Samal, Davao del Norte. - Elena Aben