Aabot sa 25 hinihinalang drug personality ang naaresto sa magkakahiwalay na drug bust operation sa Zamboanga City at South Cotabato kamakailan, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Base sa ulat kay PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr., kinilala ang mga naarestong drug pusher sa Baliwasan, Zamboanga City na sina Ernesto Fernandez, 43, residente ng Baliwasan; Adzhar Mundoc, 27, ng Luuk, Sulu; at Habir Sali, 34, ng Canelar, Zamboanga City.

Nakumpiska ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 9 mula sa tatlo ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Samantala, naaresto rin sa bisa ng search warrant ang 25 drug personality sa Barangay Poblacion, Polomolok, at Purok Lovers, Barangay Ambalgan, Sto. Niño, South Cotabato.

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

Nakumpiska sa 25 suspek ang mga sachet ng shabu, assorted drug paraphernalia, .9mm Ruger pistol na may magazine at bala, isang .38 caliber na paltik, isang granada, isang shot gun, 13 bala ng caliber 5.56 rifle, isang M-203 grenade launcher, isang .45 caliber pistol, at isang .9mm pistol.

Nakapiit na ang mga suspek makaraang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). - Jun Fabon