TAINAN CITY, Taiwan (Reuters) - Niyanig ng malakas na lindol ang Taiwan kahapon ng umaga, dahilan upang gumuho ang isang apartment building, na may 17 palapag, na ikinasawi ng pitong katao, kabilang ang isang 10-araw na babae.

Ang sanggol at ang tatlong iba pang nasawi ay mula sa isang apartment complex, na naharangan ng mga guhong bahagi ang mga palapag sa pagguho ng gusali matapos yumanig ang magnitude 6.4 na lindol dakong 4:00 ng umaga (3.00 p.m. ET), sa pagsisimula ng Lunar New Year holiday.

“I was watching TV and after a sudden burst of shaking, I heard a boom. I opened my metal door and saw the building opposite fall down,” ayon sa 71-taong gulang na kapitbahay na si Chang.

Ayon sa isang tubero, agad siyang kumuha ng kagamitan at lubid at binuksan ang ilang bintana upang tulungan ang isang matanda na humihingi ng saklolo.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“She asked me to go back and rescue her husband, child, but I was afraid of a gas explosion so I didn’t go in. At the time there were more people calling for help, but my ladder wasn’t long enough so there was no way to save them.”

Naitala ang sentro ng lindol may 43 kilometro (27 milya) sa timog-silangan ng Tainan, at ang pagyanig ay may lalim na 23 kilometro (14 milya), ayon sa U.S. Geological Survey.

Ayon sa mga awtoridad, aabot sa 92 ang kuwarto sa paupahan at 256 na katao ang nanunuluyan sa gumuhong paupahan, ngunit hindi pa natutukoy kung ilan ang nasa loob ng gusali nang mangyari ang insidente.

Umabot sa 115 katao ang isinugod sa mga ospital sa Tainan, pagkukumpirma ng fire department.

NAGSIGUHONG ISTRUKTURA

Ayon kay Tainan Mayor William Lai, masyado pang maaga para sabihin na dapat sisihin sa nangyari ang mababang kalidad ng gusali.

“We will chase the legal responsibility later,” ayon kay Lai, kasabay ng mga ulat na bukod sa apartment ay maraming iba pang gusali sa Tainan ang gumuho o nasira.

Samantala, binisita ni President Ma Ying-jeou ang mga emergency center at ospital sa Tainan habang kinansela naman ni President-elect Tsai Ing-wen ang kanyang mga appointment para tumulong sa mga biktima.

Nakahanda naman umano ang China, ayon sa Taiwan Affairs Office ng China, na tumulong sa mga pangangailangan ng mga biktima.

Ayon sa ibang media reports, mahigit 250 ang na-rescue mula sa guho, habang halos 400 naman ang kabuuan ng mga nasugatan sa mga lugar na naapektuhan ng pagyanig. Marami ang hindi pa natatagpuan.

PINOY SA TAIWAN

Sinabi rin kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas na kabilang ang dalawang Pinoy sa mga nasugatan sa pagyanig sa Taiwan.

Kinumpirma naman ni DFA Spokesperson Charles Jose na ligtas na ang dalawang babaeng Pilipino na nasugatan sa lindol, ayon ka rin sa report ng Manila Economic and Cultural Office.

May 120,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Taiwan.

May report ni (Madel Sabater-Namit)