Stone Temple copy

NEW YORK (AFP) – Para sa tagahanga ng 1990s-style grunge rock na hindi pinalad, maaari na nilang maabot ang kanilang pangarap, ang maging bokalista ng Stone Temple Pilots.

Inihayag ng mga rakista nitong Biyernes na bukas na ang aplikasyon para sa bagong bokalista matapos pumanaw ang frontman na si Scott Weiland dahil sa paggamit ng bawal na gamot.

“We’ve already heard from many talented people, but want to make this an opportunity for many more so we’ve set up a way for you to do just that,” pahayag ng banda sa kanilang website.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“If you think you have what it takes to front this band, record with this band, and tour with this band, we would dig hearing from you.”

Hindi na ipinaliwanag ng California-based band ang kanilang criteria o kung kalian ang deadline.

Ngunit nakatanggap agad ang kanilang website ng maraming aplikasyon mula sa mga singer na nag-alok ng kani-kaniyang sariling bersiyon ng awitin ng banda katulad ng Vasoline, Interstate Love Song at Tripping on a Hole in a Paper Heart.

Makalipas ang pagpanaw ni Weiland noong Disyembre, ang banda ay nagtatanghal kasama si Chester Bennington ng Linkin Park ngunit sinabi ng Stone Temple Pilots na hindi maaaring dalawang banda ang kinabibilangan ng singer.

“No one will ever ‘replace’ Scott, that was never the intent. The intent is for Stone Temple Pilots to continue on, to evolve, and to do what we do… make music!” pahayag ng banda.

Namatay si Weiland sa edad na 48 sa tour bus ng kanilang banda sa Minnesota, at lumabas sa medical examination na pinaghalong droga ang nasuri sa kanyang katawan.