Nakatakdang makatambal ni Gretchel Soltones si Dangie Encarnacion para ipagtanggol ang women’s title sa 91st NCAA beach volleyball tournament na idaraos sa Pebrero 10-15 sa Broadwalk ng Subic Bay Free Port Zone sa Zambales.

Inaasahang mas magiging mainit ang laro ni Soltones hindi lamang para ipagtanggol ang hawak nilang titulo kundi upang pawiin ang sakit na nalasap sa kabiguan sa kamay ng St. Benilde Lady Blazers noong nakaraang indoor volleyball finals.

“She will play,” ani San Sebastian coach at athletic director Roger Gorayeb, patungkol sa power-hitting na si Soltones, ang back-to-back NCAA MVP sa indoor volleyball at reigning MVP sa beach volleyball.

Ayon pa kay Gorayeb, ang kanilang libero na si Alyssa Eroa ang magsisilbing reserve sa San Sebastian.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasalukuyang tabla ang San Sebastian at ang Perpetual Help bilang most titled women’s team na may tig- apat na titulo mula nang ilunsad ang sport, 14 na taon na ang nakakalipas.

Isa sa inaasahang magbibigay ng matinding laban sa Lady Stags ang Lady Altas na kakatawanin nina Jam Suyat at Vhima Condada.

Ididipensa naman ng St. Benilde ang kanilang hawak na titulo sa men’s division ng torneo na pangungunahan ng event host Jose Rizal University sa pamumuno ni Athletic Director Paul Supan at itinataguyod ng The Lighthouse, Bayfront Hotel, Subic Park Hotel, Moonbay Villas, LGR, Mikasa, SBMA at ABS-CBN Sports and Action.

Samantala, sa highschool division, ang reigning champion Emilio Aguinaldo College-ICA ang “team to beat”.

(Marivic Awitan)