Giniba ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang magarbong kubol, na may recording studio, ng isang convicted drug lord sa ika-16 na “Oplan Galugad” sa Maximum Security Compound (MSC) ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay BuCor Director Retired Gen. Rainer Cruz III, unang sinuyod ng awtoridad ang Building 14 sa MSC sa mismong kubol ng high-profile inmate na si JV Sebastian, ang tinaguriang leader ng Commando Gang at nadiskubre ang naturang entertainment room, ilang higaan, bukod pa sa may sariling canteen, hardin, at kubo.
Ayon kay Cruz, inaasahang matatapos ang pagsira sa kabuuan ng kubol ni Sebastian ngayong Linggo.
Hindi rin nakaligtas sa pagsalakay ng awtoridad ang mga selda sa Building 3, sa Quadrant 3, na kinapipiitan ng Bahala na Gang.
Muling nakakumpiska ang awtoridad ng TV sets, DVD players, rugby, cell phones at ilang patalim. (Bella Gamotea)