Ikinagalak ng Malacañang ang pagtitiyak ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief negotiator Mohagher Iqbal na ipagpapatuloy nila ang pakikig-ugnayan sa gobyerno sa pagsusulong ng prosesong pangkapayapaan kahit tapos na ang administrasyong Aquino.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kinikilala nila ang determinasyon ng MILF sa usapang pangkapayapaan simula nang malagdaan ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) noong Oktubre 2012.

Ginawa ni Iqbal ang pahayag matapos mabigong maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa kabila ng pangako ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Coloma, puspusan ang gobyerno sa pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), ang roadmap sa pagresolba ng karahasan sa Mindanao. (Beth Camia)
Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?