Tutuparin ng Department of Agriculture (DA) ang pangako sa mga Bicolanong mangingisda na iaangat ang estado ng kanilang buhay.

Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala, nakahanda na para sa Sorsogon ang P49 milyon halaga ng mga proyekto sa agrikultura at kalakal, mga kagamitan, livelihood projects at imprastruktura.

Ibibigay ang nasabing tulong sa iba’t ibang samahan ng mga magsasaka, kooperatiba, rural-based organization, katutubong komunidad, LGUs at iba pang mga pribadong grupo na kuwalipikadong tumanggap ng tulong agrikultura sa lalawigan.

Katulong ng DA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagpapatupad sa nasabing mga proyekto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasama rin ang Albay, partikular ang Legazpi City, sa mga mabibiyayaan ng tulong.