CERTIDIED phenomenal hit ang FPJ’s Ang Probinsyano sa patuloy na pamamayagpag nito sa national TV ratings at pagkapit ng mga Pilipino sa kuwento ng pulis na si Cardo (Coco Martin) gabi-gabi.

Halos kalahati na ng buong sambayanang Pilipino ang nakatutok sa hit Kapamilya primetime serye sa naitala nito sa national TV rating na 46.7% nitong nakaraang Martes (Pebrero 2), halos 30 puntos ang lamang sa kalabang Little Nanay na may 16.9% lang, ayon sa datos ng Kantar Media.

Tinalo ng action-serye na pinagbibidahan ni Coco Martin ang sarili nitong record na 45.9% noong Lunes (Pebrero 1) at nagtala ng pinakamataas na national TV rating para sa taong 2016.

Kinasabikan at inabangan ng publiko ang pagtatapos ng misyon ni Cardo bilang si Paloma at ang maaksiyong pagliligtas niya kay Carmen (Bela Padilla) pati na rin sa iba pang mga biktima ng sindikato. Unang sabak pa lang ni Coco bilang maalindog na si Paloma ay naging usap-usapan na sa mga kabahayan at trending agad sa social media.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Walang duda na primetime king nga si Coco sa malaking tagumpay na tinatamasa ng kanyang serye na hango sa pelikula ni Da King, Fernando Poe. Jr. Hindi lang sa TV naghahari si Coco kundi pati na rin sa mga sinehan dahil tumabo naman ng P528 million sa box office ang pelikula nila ni Vice Ganda na Beauty and the Bestie.