Sasabog ang matitinding aksiyon sa ginaganap na World Slasher Cup-1 8-Cock Invitational Derby sa Smart-Araneta Coliseum sa pagbubukas ng “two-day final rounds” ngayon.
Maghaharap sa yugtong ito ang mga kalahok na umiskor ng 2, 2.5 at 3 puntos sa semis at bantang ipanalo ang tig 4 na laban at biguin ang alinmang tangkang magrehistro ng perpektong iskor sa grand finals sa Pebrero 7.
Aabante naman sa championship round ang mga kalahok na nagpanalo ng apat na laban sa ikalawang semis noong Myerkules na sina Bobby Inigo/Dennis Reyes/Jimmy Junsay (Darth Vader Jared), Greggy Norman/O Lim/Jimmy D. Cacayan (Anak ni Pepe NSL), Mario Villamor/Ed Aparri/Atty. Art de Castro (Phoenix – II), Dr. Marvin Rocafort/Anthony Jacinto/CDLS (El Campeon/DW), Rene Medina (Lucky Chances), Thunderbird-1 (Nene Araneta) at dating World Slasher Cup champion Vice Mayor Jubee P. Navarro (J-Genesis-Lucky 7).
Nagtapos na may 3 panalo at 1 draw, ngunit sapat upang isulong ang kampanya patungong grand finals, sina Atty. Art de Castro/Walter Ozaeta (Thunderbee Angry Bird) at Jun Villanueva/Edwin Dimagiba (Manila Teachers Partylist-2) sa torneeo na itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP, Thunderbird Platinum, BMeg at Petron.
Nagrehistro rin ng 3 puntos sina Mayor Goto (San Roque CGV-CRB Farm), Jimmy Junsay/Pepito Sanchez (Jared ML), Recardo Parojinog/Jimmy Junsay (Zamz 7 Farm Jared), Remigio Llarenas, Jr. (RCL – Altamirano Gamefarm), Joey/Bradley/Cindy Melendres (Swerteng Anak), Mayor Nene Aguilar/Sam Aguilar (Super Eagle AAO/AA), Dr. Marvin Rocafort/CDLS Kap.
Dodo Rosales (CDLS Samparang KR/El Campeon), Atong Ang/Nelson Uy/Dong Chung (David and Goliath Again AA), Atty. Abella (MBA Fiscalizer Big Event Feb. 19), Pol Estrellado/Mayor Goto/Aldo (P.E. CGV Aldo Amin Partylist-2), Ricky Magtuto (Ahluck Camsur JVS), Rene Adao (Binangonan Lacky Chances-2), Rene Medina (Binangonan Lucky Money), Owen Medina/Mike Romulo (671 Biba Guahan NMC) at Noel Jarin/Benny Salazar (Enzo Altavaz Hyper B-12).
Maghaharap naman sa ikalawang araw ng 4-cock pre-finals bukas ang mga kalahok na may iskor na 2, 2.5 at 3 puntos.
Sa paanyaya ng Pintakasi of Champions, ang 2016 World Slasher Cup-1 ay ginaganap sa kolaborasyon ng Thunderbird Platinum at Petron. Binubuo ang media partners ng Gamefowl Magazine, SuperSabong, Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo, SabongTV, Cockfights Magazine, Sabong Star at Fightingcock Magazine.