Pinagpapaliwanag ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Weightlifting Association (PWA) hinggil sa bagong kautusan ng International Weightlifting Federation (IWF) na kailangang sumabak sa team event upang makapagkuwalipika sa 2016 Rio De Janeiro Olympics.

Dahil sa naturang kautusan ng IWF, humingi ng karagdagang pondo ang PWA upang masuportahan at maipadala ang Philippine Team na binubuo ng apat na babae at anim na lalaki, sa huling Olympic qualifying event na gagawin sa Uzbekistan.

“The PSC Chairman wants to know about the details of the event and what will happen because it is the first time that a team event will be held in the sports of weightlifting which we all know is an individual sports,” pahayag ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr.

Kamakailan lamang ipinaalam sa PSC ng PWA, pinamumunuan ni Roger Dullano, na kailangang lumahok ang Pilipinas sa isang team event upang mapanatili nitong mataas ang ranking ng bansa at mga indibidwal nitong atleta sa pamumuno nina 2-time Olympian Hidilyn Diaz at Asian Games veteran na si Nestor Colonia.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasalukuyan pa rin hinihintay ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC) ang opisyal na deklarasyon ng IWF na magkukumpirma kung kuwalipikado na si Diaz sa Rio Olympics matapos magwagi ng tatlong bronze medal sa World Championship noong Nobyembre. (ANGIE OREDO)