WASHINGTON (AP) — Itinaas ng Golden State ang level ng isang kompetitibong koponan at inilarawan ni US President Barack Obama ang Warriors na “small-ball nuclear lineup that specializes in great shooting and passing”.

Ginapi ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa nakalipas na NBA Finals at kasalukuyang umuukit ng kasaysayan sa kahanga-hangang 45-4 marka ngayong season.

“It’s beautiful to watch when they’re working on all cylinders,” pahayag ni Obama sa tradisyunal na “victory dinner” para sa Warriors sa White House.

Hindi naiwasan ni Obama, tagahanga ng nagretirong si Michael Jordan, naikumpara sa Warriors sa Chicago Bulls noong dekada 90. Paborito niyang sinabi na bihira ang pagkakataon na makasalamuha ang mga player na bahagi ng kasaysayan sa basketball.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“So we’re pretty lucky today that we’ve got one of those players in the house — Steve Kerr,” pahayag ni Obama, patungkol sa Warriors coach, na isa ring Bull sa matikas na kampeonato ng Chicago.

Sa pagkakataong ito, pinangungunahan ang Warriors ni Stephen Curry, isa sa pinakamahusay at sharpshooting guard sa NBA. Ilang ulit na ginaya ni Obama ang mga kilos ni Curry sa court.

“He was clowning,” aniya.

Ibinigay ng Warriors bilang regalo at jersey na may No.44 – simbolo ng pagiging 44th US president ni Obama. Nagbiro si Kerr na sa pagtatapos ng taon, isa na siyang ‘free agent’.

“Consider this a symbol of an offer that’s coming,” pahayag ni Kerr.