Liza Soberano copy

NAPAKAGANDA talaga ni Liza Soberano habang tinitingnan namin siya sa grand press launch ng bago nilang serye ni Enrique Gil na Dolce Amore at tama ang sinabi ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach na makikita sa batang aktres na puwede itong sumunod sa yapak niya.

Tuwang-tuwa si Liza sa sinabing ito ni Pia, na agad niyang pinasalamatan sa pamamagitan ng post sa Twitter. Pero hindi type ni Liza na sumali sa beauty contest.

“To be honest wala po ako plans to join a beauty contest, pero I’m not closing any doors. Pero, I mean it’s an honor to be complimented by Miss Universe herself, pero ako hindi ko po nakikita ang sarili ko sa ganoong path. Parang I’m contented na mag-artista, I like acting a lot,” sabi ni Liza.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sigurado naman kami na walang kokontra dahil sa tindig, sa ganda ng mukha at kung paano magsalita at sumagot ay napaka-regal ng dating ni Liza.

Sa Dolce Amore, gagampanan ni Liza ang karakter na si Serena na ampon nina Ms. Cherie Gil (Luciana) at Ruben Maria Soriquez (Roberto) sa Italya.

Nagtungo ng Pilipinas si Liza para hanapin ang tunay na mga magulang dahil kahit na lumaki siya sa magandang buhay ay hindi niya maramdaman ang kumpletong pagkatao.

“It’s a project I think almost everyone will be able to relate to,” kuwento ng dalagita. “It’s about finding your identity and finding love, and the story is just so fun and uplifting.”

Best friend naman ni Liza si Matteo Guidicelli bilang si Giancarlo na anak-mayaman at lihim na nagmamahal sa kanya pero walang lakas ng loob na sabihin ang totoo.

Gumaganap naman si Enrique bilang si Tenten, laki sa bahay-ampunan at maabilidad sa buhay kaya lahat ng pagkakakitaan ay pinapasok para mabuhay ang kinilalang pamilya.

“It’s a ‘peasant meets a princess’ kind of feel,” sey ni Enrique. “It’s a very light teleserye, like what we all love — parang sa Forevermore.”

Bagamat wala pa ring kissing scene na magaganap kina Enrique at Liza sa Dolce Amore ay hindi ito magiging dahilan para hindi abangan ang kuwento dahil nag-level-up na raw ang karakter nila mula sa Forevermore kilig.

Anila, bukas sila sa pag-eeksperimento sa kanilang mga karakter minus the kissing scene o anumang eksena na ginagawa ng magkasintahan.

Tinanong si Liza kung ano ang reaksiyon niya na pawang magagaling ang makakasama niya sa Dolce Amore lalo na si Cherie na gaganap na adoptive mother niya.

“No’ng una, sobrang kinabahan ako kay Ms. Cherie, we all know naman po na she’s a very, very good actress,” nakangiting sagot ng batang aktres. “’Tapos no’ng ma­laman ko na puro Ita­lian ang scenes namin, s­obrang na-intimidate ako dahil ayoko namang paulit-ulit kami dahil sa akin. Ayoko siyang bigyan ng hard time, so I really, really tried hard na malaman ‘yung Italian lines.

“Ako, sobrang happy po ako na makakasama ko na silang vete­ran actors, na sobrang dami kong matututunan sa kanila.

And I’m just so excited for the show to go on and on.”

Puring-puri ni Ms. Cherie ang pagiging hardworking ni Liza at inaaral ang script at hindi nahihiyang magtanong tungkol sa mga bagay na hindi niya alam.

Inamin ni Liza na nag-aral siya ng Italian language at kahit hirap ay talagang nagtiyaga siya para hindi ma­pahiya sa co-actors. Nag-immerse si Liza for ten days para makapag-observe kung alamin kung paano kumilos, magsalita at kung ano ang pag-uugali ng mga Italyano.

Na-enjoy ni Liza ang mga pagkain, mga lugar at kultura sa Italy na suhestiyon naman ng ka-love team niyang si Enrique na maski hindi inamin ay sila ang parating magka-face time na ibinuking ni Matteo.

Ang update sa relasyon nina Liza at Enrique: “Ganu’n pa rin po, magkaibigan pa rin,” say ng dalaga.

Mapapanood na ang Dolce Amore simula sa Pebrero 15, Lunes mula sa direksiyon ng hitmakers ng ABS-CBN at Star Cinema na sina Cathy Garcia-Molina at Mae Cruz-Alviar.

Bukod kina Matteo, Enrique, Liza at Cherie ay nasa cast din sina Edgar Mortiz, Rio Locsin, at Kean Cipriano, Sunshine Cruz, Frenchie Dy at Andrew E., handog ng Star Creatives. (REGGEE BONOAN)