Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang paghahain ng multiple-graft and corruption charges laban sa sinibak nA alkalde ng Makati City na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay kaugnay ng umano’y overpricing sa P2.2-bilyon Makati City Hall Building 2.

Sa tatlong magkakahiwalay na joint order na inilabas noong Pebrero 3, pinagtibay ni Morales na may probable cause laban kay Mayor Binay, ama nitong si Vice President Jejomar Binay, at sa iba pang isinangkot sa kontrobersiya upang sila ay pormal na sampahan ng kasong kriminal.

Kabilang sa mga inihaing kaso ang four counts of corruption, six counts of falsification of public documents, at isang bilang sa bawat malversation dahil sa umano’y katiwalian sa parking building project mula 2007 hanggang 2013.

Iginiit ni Morales na ang reklamo sa bise presidente ay ihahain sa pagtatapos ng kanyang termino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinilala ni Ombudsman Morales ang ibang respondent na sina Marjorie De Veyra, Pio Kenneth Dasal, Lorenza Amores, Virginia Hernandez, Line Dela Peña, Mario Badillo, Leonila Querijero, Raydes Pestaño, Nelia Barlis, Cecilio Lim III, Arnel Cadangan, Emerito Magat, Connie Consulta, Ulysses Orienza, Giovanni Condes, Manolito Uyaco, Norman Flores, Gerardo San Gabriel, Eleno Mendoza, Jr., at Rodel Nayve. 

Isinama rin sa charge sheet sina Orlando Mateo, ng Mana Architecture and Interior Design, Co. (MANA); at Efren Canlas, ng Hilmarc’s Construction Company. (JUN RAMIREZ)