Pebrero 6, 1937 nang unang mailathala ang nobela ni John Steinbeck na may pamagat na “Of Mice and Men”. Tampok sa istorya ang relasyon ng dalawang manggagawang migrante.

Inilarawan si George na “small and quick”, habang si Lennie ay may malaking pangangatawan ngunit isip-bata. Nagplano ang dalawa na magkaroon ng sariling lupa, sa kabila ng nahihirapan sa trabaho sa bukid, at magkaroon ng “family”.

Dahil sa istorya ay nabigyang-atensiyon ang mga sinulat ni Steinbeck, kabilang ang kanyang una at matagumpay na nobela na pinamagatang “Tortilla Flat.” Lumaki si Steinbeck sa Salinas Valley, naging class president noong high school, at nag-aral sa Stanford University.

Nagsimula siyang tumira sa New York City noong 1925, at naging mamamahayag.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’