Maurice copy

(AFP) — Pumanaw na ang Earth, Wind & Fire founder na si Maurice White, na pumuno sa mga arena dahil sa kanyang feel-good funk anthems at isa sa mga best-selling artist sa kanyang henerasyon. Siya ay 74.

Nakikita ni White ang kanyang sarili bilang successor ng jazz ngunit pinaunlad ang bagong tunog ng pop tunes na nagpasimula ng pag-usbong ng R&B, rock, soul and funk.

Ang kanyang bandang itinatag ay nakapagbenta ng umaabot sa 100 milyong album, kabilang sa pinakamatagumpay na banda noong 1970s, na ang ilan sa mga pumatok na awitin ay ang September, Shining Star, After the Love Has Gone at Boogie Wonderland.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Isa si White sa mga musikerong pumanaw sa unang dalawang buwan ng 2016.

Si White, na nagkaroon ng Parkinson’s disease sa loob ng apat na taon, ay pumanaw nitong Miyerkules sa kanyang tahanan sa Los Angeles, kinumpirma ng kanyang kapatid at tagapagsalita ng banda.

“My brother, hero and best friend Maurice White passed away peacefully last night in his sleep,” pahayag ni Verdine White noong Huwbes sa Facebook.

“While the world has lost another great musician and legend, our family asks that our privacy is respected as we start what will be a very difficult and life-changing transition in our lives.”

Taong 1979, ang Earth, Wind & Fire ang unang African-American act na nakapagbenta sa New York’s Madison Square Garden na kinikilala bilang pinakaprestihiyosong concert venue.