Inaprubahan ng Sandiganbayan Fourth Division ang hiling ni retired Police Director Geary Barias, na kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong katiwalian, na makadalaw sa burol ng kanyang ama sa Tuguegarao City, Cagayan.

Naglabas ang Fifth Division ng isang resolusyon na nagpapahintulot kay Barias na masilayan ang labi ng kanyang ama na si Domiciano Sr. na kasalukuyang nakaburol sa Tuguegarao City.

Kasama ang mga police escort, lumabas si Barias sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dakong 10:00 kagabi.

Inatasan din ng anti-graft court ang PNP na umalis sa Tuguegarao dakong 10:00 ngayong gabi upang maibalik ang retiradong police official sa PNP Custodial Center.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tiniyak din ng Fourth Division na babalikatin ni Barias ang lahat na gastusin sa pagtungo niya sa Tuguegarao City.

Noong Lunes, hiniling ng kampo ni Barias sa korte na payagan itong mabisita ang kanyang ama matapos ipaalam sa kanya ni Dr. George Ramos na kritikal na ang kondisyon ng lung cancer patient.

Sa Barias, kasama si dating PNP chief Director General Avelino Razon, ay kinasuhan matapos isangkot sa umano’y ghost repair ng mga sasakyan ng PNP na aabot sa milyong piso. (Jeffrey G. Damicog)