LOS ANGELES (AP) – Kapwa magbabalik sina Stephen Curry at Zach LaVine para idepensa ang Three-Point at Slam Dunk title, ayon sa pagkakasunod, sa gaganaping All-Star Saturday Night sa Toronto sa Pebrero 13 (Linggo sa Manila).

Haharapin ni Curry ang hamon ng mga contender na kinabibilangan ng kasangga niya sa Golden State na si Klay Thompson. Ito ang ikalimang pagkakataon na sasabak ang reigning NBA MVP na kasalukuyang may 45.8 porsiyento sa three-point range (sosyo sa ikatlong puwesto sa NBA).

Nakabuntot naman si Thompson kay Curry na may 43.4 porsiyento matapos makapagtala ng 155 three-point.

Kasama rin sa torneo sina Phoenix’s Devin Booker, Miami’s Chris Bosh, Houston’s James Harden, Toronto’s Kyle Lowry, Milwaukee’s Khris Middleton at J.J. Redick ng Clippers.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Samantala, mapapalaban naman si LaVine ng Minnesota Timberwolves kina Detroit Pistons center Andre Drummond, Denver Nuggets guard Will Barton,at Orlando Magic forward Aaron Gordon.

Sa edad na 19, si LaVine ang pinakabatang naging kampeon sa Slam Dunk mula nang magawa ito ni Kobe Bryant sa edad na 18 noong 1997.

Gaganapin ang 65th NBA All-Star Game sa Toronto sa Linggo, Pebrero 14 (Lunes sa Manila), sa Air Canada Centre sa Toronto, kauna-unahang All-Star Game na gagawin sa labas ng U.S.