France Paris Opera

PARIS (AP) — Hindi na itutuloy ng dancer na si Benjamin Millepied, nag-choreograph ng pelikulang Black Swan noong 2010 at asawa ni Natalie Portman, sa kanyang tungkulin bilang dance director sa premier ballet company sa Paris.

Ayon sa kanyang pahayag, nagbibitiw siya dahil sa “personal reasons,” at ang kanyang tungkulin ay walang sapat na panahon para sa “creation and artistic expression.”

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Sinabi ni Millepied, na sumayaw na rin para sa New York City Ballet at naging direktor ng ilang pelikula at music video, na patuloy siyang makikipagtrabaho sa kumpanya para sa kasalukuyang season at sa susunod pang mga taon.

Siya rin ang choreographer ng Black Swan na tungkol sa isang batang babae na dumaranas ng psychological pressure sa ballet.

“I am convinced we’ve opened up things that are really important,” ani Millepied. “The future is bright.”

“What’s important for me is to create, to be inspired by the parts. That’s what motivated me in the ballet and today this position (the dance director position) isn’t for me, it doesn’t suit me,” pahayag niya sa isang press conference.

Sinabi rin niya na, “To be a dancer is to express oneself, not to resemble a wallpaper pattern.”