LONDON (AP) — Nangako ang mga lider ng mundo na magkakaloob ng mahigit $10 billion nitong Huwebes bilang tulong sa pagpopondo sa mga eskuwelahan, tirahan, at trabaho para sa mga refugee mula sa civil war ng Syria.

Ang perang ito, ayon kay British Prime Minister David Cameron, “will save lives, will give hope, will give people the chance of a future.’’

Ngunit aminado ang mga kalahok sa pagpupulong sa London na lumalala ang pag-asa para mawakasan ang kaguluhan habang milyun-milyong Syrian ang nagdurusa sa mga pambobomba, nagiging palaboy at nagugutom.

“The situation in Syria is as close to hell as we are likely to find on this Earth,” wika ni United Nations Secretary-General Ban Ki-moon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sinabi naman ni U.S. Secretary of State John Kerry na hindi na siya gaanong positibo gaya ng dati.

“After almost five years of fighting, it’s pretty incredible that as we come here in London in 2016, the situation on the ground is actually worse,’’ sambit niya.