Nasa kamay na ni Pangulong Aquino ang pagtataas ng suweldo ng mga kawani ng gobyerno na may budget na P58 bilyon sa fiscal year, kaugnay ng 2016 General Appropriations Act o national budget.

Ito ay ang panukalang Salary Standardization Law (SSL) IV na pinagtalunan nina Senate President Franklin M. Drilon at Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto, sa panukalang Salary Standardization Law (SSL) IV na napako sa bicameral panels conference committee ng Senado at Mababang Kapulungan.

“Sa susunod na Kongreso, dapat namang tutukan kung paano babaguhin ang sistema, kabilang na ang AFP (Armed Forces of the Pilipinas) at PNP (Philippine National Police) sa GSIS (Government Service Insurance System), dahil ito lamang ang tanging paraan para malutas ang problemang ito,” ani Drilon.

Tinanggihan ng House panel ang probisyon ng Senado na awtomatikong isabay sa pagtataas ng suweldo ng mga empleyado ng gobyerno ang pagtaas sa pensiyon ng mga retirado at unipormadong tauhan ng AFP at PNP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kahit magbakasyon ang Kongreso para sa apat na buwang election break na hindi naipapasa ang SSL IV Bill, makukuha pa rin ng mga empleyado ng pamahalaan ang kanilang pay hike gamit ang isang executive order na pirmado ng pangulo,” ani Recto.

Isang presidential order lamang ay sapat na umano para maipatupad ang wage hike.

Sinabi ni Recto na naglaan na ang Kongreso ng P57.9 bilyon para dito, na kumakatawan sa mga gastos ng unang taunang yugto ng SSL IV, sa 2016 GAA, kaya puwede na itong ilabas anumang oras.

Noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, apat na beses na iginiit ang nasabing wage hike noong 2001, at taun-taon mula 2006 hanggang 2008, ayon na rin kay Recto, na sandaling naging economic planning secretary ng pangulo.

Ipinalabas naman ang Arroyo Executive Order 22 noong 2001 na nagbibigay ng karagdagang 5% wage hike sa buwanang suweldo ng mga sibilyan at unipormadong tauhan ng gobyerno. (MARIO CASAYURAN)