austria copy

Tunay na may himala para sa Beermen, ngunit para kay coach Leo Austria hindi ito kumpletong madarama kung walang kasamang pananalig at tiwala sa kakayahan ng bawat isa.

Matapos maibaon sa 0-3 sa best-of-seven title series ng PBA Philippine Cup, ang salitang himala ang nagbuyo sa Beermen para magsama-sama, magpakatatag at lumaban na may pananalig at determinasyon.

“There was never any doubt,” pahayag ng tinanghal na Finals MVP na si Chris Ross.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

”Even when we were down 0-3, I couldn’t picture those guys celebrating the championship, not on our expense. I just knew the type of guys that we have in the locker room that we could win,” aniya.

Kasaysayan ang nailimbag ni Austria at ng Beermen nang kanilang kumpletuhin ang determinadong pagbangon mula sa hukay ng kabiguan sa pamamagitan ng 96-89 panalo sa ‘do-or-die’ Game 7 para maagaw ang kampeonato na halos nasa kamay na ng Aces.

“Hindi lang ang kampeonato ang maaalala ng tao dito. Kundi yung determinasyon at pananalig ng mga player sa isa’t isa. Ito ang buhay na patotoo na basta’t sama-sama may magaganap na himala,” pahayag ni Austria.

Biyaya na bigay ng langit ang pakiwari ni two-time MVP Arwind Santos sa tagumpay na tinatamasa sa kasalukuyan ng Beermen.

“Kahit patay na kami, buhay pa rin ‘yung story, yung legacy na nagawa namin,” sambit ni Santos.

“Pero kailangan pa rin namin pangalagaan ito. “Dapat hindi dumating sa point na maging overconfident kami o lahat kaya na namin. ibinabalik lang dapat namin ‘yung mga blessings kay God at sa mga kasama namin.” (Marivic Awitan)