Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman si dating Barugo, Leyte Mayor Juliana Villasin dahil sa illegal na pagbili ng mga abono na nagkakahalaga ng P1.87 milyon noong 2004.

Kasamang pinakakasuhan sa Sandiganbayan ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sina municipal accountant Aluino Ala at municipal agriculturist Reynaldo Bodo.

Natuklasan sa imbestigasyon ng Ombudsman na pinahintulutan nina Villasin, Ala, at Bodo ang kanilang lokal na pamahalaan na bumili ng 3,900 litro ng Fil-Ocean liquid fertilizer mula sa Bals Enterprises sa pamamagitan ng direct contracting.

Gayunman, ibinunyag ng Commission on Audit (CoA) na nagkaroon ng iregularidad sa nasabing proyekto dahil sa kawalan ng public bidding, referral sa Bids and Awards Committee (BAC), reference sa partikular na brand names ng abono, at kakulangan ng verification sa kuwalipikasyon at eligibility ng supplier. (Rommel Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'