Hindi na nakapalag ang isang Korean matapos siyang posasan ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang eksklusibong subdibisyon sa Makati City dahil sa pagkakasangkot umano sa mail-order bride scheme.

Kinilala ang suspek na si Jong Beong Lee, alyas “Lee Jong Beon”, na naaresto ng pulisya sa kanyang inuupahang unit sa 39 Polaris Street, Bel Air Subdivision, Makati City.

Sinabi ni Supt. Emma Libunao, hepe ng Women’s and Children’s Protection Unit (WCPU), na pinaghahanap ng awtoridad ang suspek dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa large-scale human trafficking, o nangangalap ng mga Pinay upang maging asawa ng mga South Korean.

Samantala, isang tauhan ng Philippine Army ang naaresto ng pulisya dahil sa kasong frustrated murder na inihain sa kanya sa Mindanao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa ulat ng PNP, naaresto ng CIDG operatives si Cpl. Dionidio Potorio, base sa warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa sundalo.

Sina Lee at Potorio ay kapwa nakakulong ngayon sa mga tanggapan ng CIDG sa Metro Manila at Central Mindanao.

(Aaron Recuenco)