Sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim S. Jacinto-Henares kahapon na ang resolusyon ng House of Representatives na nag-i-exempt kay 2015 Miss Universe Pia Alonso Wurtzbach sa pagbabayad ng buwis sa Pilipinas ay walang bisa.

Sa isang press conference sa Department of Justice (DoJ), sinabi ni Henares na ang House resolution ay isa lamang pahayag.

“Lahat ng kinita ni Pia (Wurtzbach) noong 2015 ay kailangang buwisan. At yung kinita nito sa pagkapanalo sa Miss Universe ay tiyak namang binuwisan sa US (United States),” paliwanag ni Henares.

Kaya, ayon kay Henares, kailangan lamang i-attach ni Pia ang mga dokumento sa income tax return (ITR) na ihahain sa BIR na nagpapakita ng mga buwis na binayaran nito sa US at kikilalanin din ito ng batas ng Pilipinas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Idinagdag ni Henares na ang sitwasyon ni Pia ay katulad lamang ng kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao na nanalo sa ilang boxing fights sa ibang bansa.

“A resolution is not a law. So if you want to exempt somebody, because in the law now, there is no exemption, you have to pass a law. A law requires a two-thirds (2/3) vote of both the Lower House and the Senate,” paliwanag ni Henares.

“You just have to declare it, then you compute the Philippine tax and you show what you paid in the US. Attach it in your ITR so we will recognize the payment that you made to the US,” diin ni Henares. (PNA)