ANG tubig ay buhay. Ito ay likas na yamang kailangan ng lahat ng nabubuhay na nilalang sa mundo. Sa katunayan, ito ay isang bagay na hinahanap ng mga siyentipiko sa ibang planeta na inaakala nilang posibleng magkaroon ng ibang nilalang.

Para sa ating mga tao, mahalaga ang sinabi ni World Bank Vice President Ismail Serageldin noong 1995 na “the wars of the next century would be fought over water” at hindi sa langis.

Sa kasamaang palad, tubig din ang lagi nating binabalewala at inaaksaya. Ang mas masama pa, may bantang kakapusin ang supply natin ng tubig dahil sa napipintong tagtuyot, dulot ng El Niño phenomenon, na ang tinutumbok ay ang Pilipinas. Nagsimula na ito noon pang Oktubre 2015 at matatapos sa first quarter ng 2016.

Para masigurong sasapat ang nalalabing tubig para sa pangangailangan ng lahat, inirarasyon na ngayon ang tubig.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagkakaroon din ng water interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Ngunit hindi lamang ito ang epekto ng kakulangan sa supply ng tubig. Apektado rin nito ang produksyon ng pagkain at supply ng enerhiya. Halimbawa, ang Angat Dam sa Bulacan ay nagbibigay ng halos 97 porsiyento ng pangangailangang tubig na domestic, munisipal at industriyal sa Metro Manila, pati na rin sa 27,000 ektarya ng sakahan ng palay sa Bulacan at Pampanga. Nagsu-supply din ito ng 246 megawatts ng kuryente.

Mahalagang bawat isa sa atin ay gawin ang makakaya upang matiyak na hindi agarang mauubos ang supply ng tubig. Dapat tayong magtipid sa tubig, hindi lamang sa panahon ng El Niño, kundi dapat natin itong gawing bahagi ng ating pamumuhay. Sa ganitong paraan, nakatitipid tayo sa binabayarang tubig. Nagpapakita tayo ng kabutihang loob dahil bawat isa ay nakakakuha ng karampatang pangangailangan sa tubig. Natutuklasan nating ang tubig ay mahalaga, higit pa sa anumang yaman sa mundo.

Bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sinabi ni Ramon J. P. Paje na: “Ugaliing magtipid sa tubig, at magkaroon ng lifestyle na hindi makaaapekto ng negatibo sa supply natin ng tubig.”