JOEL VILLANUEVA copy

NAGPASIKLAB sa basketball court ng Ynares Center sa Pasig City nitong nakaraang Miyerkules sa isang exhibition basketball game ang All Star Team na kinabibilangan ng showbiz personalities na sina Zanjoe Marudo, Vhong Navarro, Rayver Cruz, Jason Abalos, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Eduardo Daquuioag, Jervy Cruz, Jericho Cruz at Antipolo Mayor Jun-jun Ynarez versus Team Trabaho na binubuo naman ng PBA Legends na sina Jerry Codinera, Marlou Aquino, Kenneth Duremdes, Bal David, Rodney Santos, Bobby Jose, Alvin Patrimonio, Johnny Abarientos at Noli Locsin.

Bago naglaro ng basketball, humarap muna sa entertainment media ang lahat para magpasalamat sa senatorial candidate na si Joel Villanueva na siyang may idea na ganapin ang naturang event. Parehong malapit sa puso ng senatoriable ang mundo ng showbiz at basketball kaya hindi siya nahirapan na mag-invite ng ilan sa mga kaibigan niya. Kuwento ni Marlou Aquino, hindi niya makakalimutan ang tulong sa kanya ni Joel Villanueva noong nagsisimula pa lang siya sa sports world.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Joel dahil mabuti siyang kaibigan. Pinag-stay niya ako sa bahay nila noong mga panahon na starting pa lang ako at mahirap pa ang lahat. Doon mo mararamdaman ang pakikisama at pagkakaibigan naming,” kuwento ni Marlou.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Itinuturing namang malaking inspirasyon si Joel ni Jason Abalos at ng iba niyang mga natutulungan sa iba’t ibang paraan.

“Mabuti siyang kaibigan, iyong walang ingay at basta tutulungan ka sa kung ano ang solution sa problema ‘yun ang gagawin niyang tulong at hindi niya ‘pinagdadamot iyon kahit alam mo na busy rin siya,” pahayag ni Jason.

Sa latest Pulse Asia survey, lumabas sa #14 ng mga tatakbo bilang senator si Joel Villanueva at malaking bagay ito sa kanya na lalo pang nagbigay inspirasyon.

Game na game namang sinagot ni Joel ang tanong kung sinong showbiz personality ang hinahangaan niya ngayon. Nabunyag tuloy na matagal na niyang hinahangaan si Julia Montes na nakilala niya nang mag-aral ito ng Culinary Arts sa TESDA.

Hinangaan ni Joel ang pagiging bukas ni Julia sa anumang makakapag palawak pa ng kanyang kaalaman.

Naging mainit ang sagupaan ng Team Trabaho at ng All Stars sa basketball game pero pumabor ang score sa team ng huli sa 116 -105. (ADOR SALUTA)