eugene domingo

SA sagot na “I mind” nang taningin ng press people if she‘ll mind being asked about Jose Manalo’s absence in Celebrity Bluff for several weeks now, hindi na naituloy ng mga reporter na usisain pa si Eugene Domingo tungkol sa isyu sa kanila ni Jose sa presscon ng bago nitong show na Dear Uge.

Tila inunahan ni Jose ang desisyon ng management na ipahinga muna ang Celebrity Bluff dahil nauna na itong mag-resign. Bago pa man dumating ang season’s break ang Celebrity Bluff, nag-resign na si Jose bilang ‘gang nam’ ng show.

Hindi na rin natanong si Eugene kung totoong ang isang TV guesting ni Jose ang naging lamat sa friendship nila, dahil may nasabi itong hindi niya nagustuhan at may nasabi rin siya kay Jose na hindi rin nito nagustuhan. Para wala na lang nega sa show, nag-resign na lang si Jose.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kaya kahit magbalik ang Celebrity Bluff sa May, hindi na rin magbabalik si Jose.

Si Eugene nama’y magiging busy muna sa Dear Uge na kung magki-click sa televiewers, baka ma-extend ang airing at umabot ng ilang season. Sa February 14 na ang pilot nito, pagkatapos ng Sunday Pinasaya.

“Thank you GMA for trusting me with original shows. This is the first ever comedy anthology at bagay for Sunday viewing na chill lang at enjoy lang. Abangan natin ang mga artistang nagda-drama na magko-comedy,” wika ni Eugene.

Gusto rin ni Eugene na magamit na venue ang Dear Uge para maimbita ang tinatawag niyang thespians (mahuhusay na artista na hindi masyadong kilala sa mainstream) para makatrabaho ang popular stars. Nagustuhan niya ang concept ng show at nag-enjoy din siyang umarte uli, kaya sigurado siyang mag-i-enjoy ang mga maggi-guest sa Dear Uge.

Kasama ni Eugene sa show ang bago niyang sidekick na si Divine Grace Aucina. Guests naman sa pilot episode sina Tom Rodriguez at Kakai Bautista. (Nitz Miralles)