Hiniling ni Senator Jinggoy Estrada na ibaba ang “retirement age” ng mga hinete ng kabayo para mas mapagtuunan ang kanilang kalusugan.
Ayon kay Estrada, dapat na gawing 55- anyos mula sa 60 ang edad sa pagreretiro ng mga hinete sa bansa.
Ang retirement age na 60 ay batay na rin sa patakaran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM), ang ahensiya na nangangasiwa sa karera ng mga kabayo.
“While the jockeys are only allowed to join professional races up to 55, their retirement benefits can only be received and enjoyed by the time they reach 60. This means that they cannot work but they still they are not protected by social insurance for five long years,” sambit ni Estrada.
Aniya, ang mga student-jockey naman ay nag-umpisa ng 17-anyos at karamihan sa mga ito ay nagreretiro na kahit wala pang 50.
Suportado naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukala ni Estrada at ayon na rin sa DOLE ang katanyagan ng isang hinete ay dumarating sa edad na 30 hanggang 40-anyos.
Hindi naman bababa o tataas sa timbang na 52 kilos ang bigat ng isang hinete batay na rin sa nais ng PHILRACOM.
(LEONEL ABASOLA)