BEIJING (AP) — Inakusahan ang governor ng isang malaking lalawigan ng pagtataksil sa ruling Communist Party at sinibak sa puwesto, sa gitna ng umiigting na consolidation of power ni President Xi Jinping na inihalintulad ng ilan sa isang personality cult.

Kabilang na ngayon ang pinatalsik na si Sichuan Gov. Wei Hong sa mahabang listahan ng mga sinibak na opisyal dahil sa pagtugis sa oposisyon, civil society at mga tiwaling opisyal.

Si Wei ay naging “disloyal to the party, dishonest and failed to value the many opportunities to receive education and rectify his wrongdoing,’’ pahayag ng Central Commission for Discipline Inspection ng partido sa website nito.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'