Pitong sundalo ng Philippine Marines ang nasugatan matapos masabugan ng landmine ang kanilang convoy sa Talipao, Sulu, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Maj. Felimon Tan, information officer ng Western Mindanao Command (WesMinCom), na nangyari ang insidente dakong 6:50 ng umaga kahapon, sa Barangay Lagtoh, Talipao, Sulu.

Bagamat kinumpirma na ang mga sugatang sundalo ay miyembro ng Marine Battalion Landing Team-10, tumanggi naman si Tan na isapubliko ang pagkakakilanlan ng pito dahil hindi pa naaabisuhan ang kaanak ng mga ito.

Mula sa Barangay Katian sa Indanan, sinabi ni Tan na patungo na sana ang mga Marine trooper sa Bgy. Kuhaw, Talipao, upang magsilbing advance forces nang mapuruhan ang convoy ng mga ito sa isang improvised explosive device (IED).

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Dakong 9:25 ng umaga nang isakay sa helicopter ang mga biktima patungo sa Trauma Hospital sa Camp Bautista, Jolo, Sulu, ayon pa sa ulat. (PNA)