caffee-latte-cappuccino copy

Hindi mahalaga kung saan kayo madalas magkape, ang mga sumusunod na paraan ay makatutulong upang makaiwas sa calories at makapagbawas ng timbang — ng walang isinasakripisyo sa inyong panlasa.

Upang maging madali ang pag-abot sa inyong goal weight sa lalong madaling panahon, narito ang mapagkakatiwalaang healthy coffee shop guide. Mapa-Starbucks at Dunkin o sa inyong suking coffee shop malapit sa inyong tahanan, siguradong hindi kayo malilihis sa inyong goal sa pagbabawas ng timbang.

1. Egg and cheese

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ang egg at cheese sandwhich ay karaniwang umaabot sa 400 calories. Idagdag pa ang protein hit na makatutulong upang maging maayos ang inyong appetite. Ang itlog ay may iba’t iba ring benefits.

2. Consider tea

Teka. Bago kayo uminom ng trenta (ang termino ng Starbucks sa 31 ounce na kape) dapat mo itong ikonsidera: Napag-alaman ng research team sa Washington na ang pag-inom ng mahigit sa limang tasa ng java bawat araw ay maaaring makapagpadoble ng taba sa tiyan. Ang good news? Mabuti na lamang at may high catechin content ito, samantalang ang green tea naman ay may ibang epekto.

3. Be KIND

Kung kayo ay mahilig na mambabasa ng “Eat This, Not That,” tiyak na alam na ninyong huge fans kami ng KIND bars. Kumpara sa ibang snack bars, ang mga ito ay hindi gaano kargado ng asukal at nut base, at may sagana sa fiber at protein, maging ng heart-healthy monounsaturated fats at omega-3s.

4. Listen for the grind

Kung araw-araw kayong umiinom ng kape, maaari ninyong makuha ang most health-boosting benefits mula sa inyong iniinom. Isa sa magandang paraan para magawa ito: Sabihin o isulat na ang inyong order matapos nilang i-grind at i-brew ang beans.

5. Espresso yourself

Kung karaniwan kayong umoorder ng pre-sweetened o flavored coffee, unti-unti na ninyong iwasan ang sobrang tamis sa paghiling na bawasan ang asukal sa inyong inoorder na inumin. Ang regular 16-ounce iced coffee, halimbawa, ay may 5 calories and 0 grams ng sugar, samantalang ang sweetened version ay may 80 at 20 grams ng sugar — na katumbas ng limang Domino’s packs! Sa paghiling na bawasan ang syrup o kalahati lang ang itamis, agad kayong makakaiwas sa 40 calories at 10 grams ng matamis na inumin. Kalaunan, masasanay na kayo sa plain at unsweetened drinks.

(Yahoo News/Health)