Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ang 11 indibiduwal matapos masakote sa magkakahiwalay na anti-drug operations na ikinasa ng mga tauhan ng Las Piñas at Taguig City Police, kamakalawa.

Kabilang sa mga naaresto sina Miguelito Bayan, 52; at Josie Narciso, 43, kapwa nakatira sa Bonifacio Street, Barangay Pamplona Uno; Arman Quilatan, 48; Juanito Adolfo, 53, ng Julius Compound, Bgy. Pulang Lupa Uno; Richard Orobio, 35; Ric Vocales, 50; Jesus Ramirez, 46; Roberto Tagos, 40; Generoso Gonzales, 44; at Archie Yap, pawang taga-Pulang Lupa Dos; at Jocelyn Osiana, alyas “Bebe”, 32, ng Batasan Hills, Quezon City.

Sa natanggap na report ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Henry S. Ranola, Jr., dakong 5:15 ng hapon nang nadakip ng awtoridad sina Bayan at Narciso sa Bonifacio Street sa Pamplona Uno, habang ang walong iba pa ay naaresto sa Bgy. Pulang Lupa Uno at Pulang Lupa Dos, at ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia ang nakumpiska sa mga suspek.

Samantala, bumagsak sa Taguig Police at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Osiana makaraang tangkain nitong ipuslit ang isang plastic sachet ng “shabu” para sa isang inmate sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Isang jail guard ang sumuri kay Osiana sa main gate ng Searching Area ng naturang piitan dakong 2:30 ng hapon, at nakuha sa bulsa ng suspek ang pakete ng shabu.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa SPD Crime Laboratory upang suriin. (Bella Gamotea)