Sapat pa rin ang tubig sa Angat Dam sa Bulacan para mag-supply sa mga residente ng Metro Manila sa kabila ng nararanasang El Niño sa bansa.

Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David, Jr., napanatili pa rin nila sa 42 cubic meters per second (cms) ang alokasyon sa tubig sa Angat Dam para sa National Capital Region (NCR).

“Metro Manila water users are assured of continuous domestic and municipal water supply from Angat reservoir even with persistence of El Niño,” pahayag ni David.

Binanggit ng NWRB na nagdagdag din sila ng 3 cms sa irrigation water allocation ng Angat Dam, at ito ay magiging 35 cms ngayong Pebrero.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Umapela rin ang opisyal sa publiko na mag-impok ng tubig, matapos ihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lalo pang titindi ang El Niño sa Abril. (Rommel P. Tabbad)