PARIS (AP) — Posibleng hindi makalaro si San Antonio Spurs point guard Tony Parker sa Olympics dahil sa nakatakdang panganganak ng kanyang maybahay sa pangalawa nilang anak na lalaki.

Sa panayam ng French radio station RMC kay Parker, sinabi niyang inaasahan ang pagsilang ng kanilang ikalawang anak sa katapusan ng Hulyo. Nakatakda ang Olympics na gaganapin sa Rio, Brazil sa Agosto 6-21.

Hindi naman tiyak kung lalaro ang two-time NBA champion at itinuturing na isa sa pinakamahusay na point guard sa sports sa gaganaping Olympic qualifying na gaganapin sa Manila sa Hulyo 4-10.

Makakaharap ng Philippine Gilas team ang French sa unang laro ng Olympic qualifying sa Manila. Isa ang Pilipinas sa tatlong napiling host para sa group qualification para sa quadrennial Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iginiit ni Parker na wala pa namang katiyakan kung kalangan niyang kanselahin ang kanyang tungkulin sa national team para pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng maybahay.

“This is big news. I will need to talk with the France team. And negotiate with my wife, too. The schedule is very, very difficult,” pahayag ni Parker.

Kapwa sinabi nina French federation president Jean-Pierre Siutat at technical director Patrick Beesley na wala silang pormal na pahayag na natatanggap hingil dito.