Tinatawag na TOAD para sa Tactical Operative Amphibious Drive, ang behikulo para sa disaster response ay tatakbo sa lupa at maglalayag sa tubig, simula ngayong Huwebes.

Opisyal na ilulunsad at pasisinayaan sa publiko ng Department of Science and Technology (DoST) at ng Batangas State University (BatStateU), ang developer ng TOAD, ang land-and water-operating vehicle.

Ang TOAD ay nagkakahalaga ng P1.4 million: nagkaloob ng P500,000 ang DoST-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD), at nagpaluwal ang BatUState ng P900,000. Dinisenyo ng mga engineer ng BatStateU ang TOAD na kayang paandarin sa lupa at tubig. Ito ay kamukha ng karaniwang owner-type jeep ng mga Pilipino at kayang magsakay ng anim na pasahero.

Ayon kay Dr. Carlos Primo David, PCIEERD executive director, opisyal na pasisinayaan ang TOAD sa Taal Lake Yacht Club, Talisay, Batangas City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Isang four-man team mula sa BatStateU main campus sa Alangilan, Batangas City, ang nagdebelop ng TOAD bilang tugon sa “challenge of designing and developing a low-cost amphibious vehicle for disaster response,” pahayag ni Assistant Director Albertson Amante, pinuno ng BatStateU Center for Technopreneurship and Innovation.

Sinimulan ng mga developer ang TOAD project noong Agosto 2014 at nakumplseto nitong Disyembre 2015, ayon kay Amante.

(Edd K. Usman)