Mapapanood ang husay at talento ng mga miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender) sa larangan ng sports sa pagpalo ng 1st Quezon City Pride Volleyball Cup ngayong weekend sa Amoranto Stadium.

Umabot sa 12 koponan ang magpapakita ng kanilang kakayahan sa dalawang araw na torneo na hangaring maipamulat sa ating mga kababayan ang pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa komunidad ng LGBT.

Sinabi ni Councilor Mayen Juico, chairman ng Quezon City’s committee on women, family relation at gender equality, na nakatuon sila sa matagumpay na pagsasagawa ng torneo upang maibsan ang negatibong pananaw sa mga kalahok.

“Since Quezon City is the only LGU (local government unit) which has a committee focused on gender equality, we realized that it’s only fitting to join hands with Sports Core in organizing a tournament like this,” sabi ni Juico.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re looking forward to a very successful and fun-filled event. I’m sure everybody will enjoy.”

Ipinaliwanag naman ni Sports Core Chairman Philip Ella Juico na sa pag-oorganisa ng mga torneo na katulad nito, na bubuksan ang pintuan para matanggap ng pamayanan ang mga grupong kabilang sa “third sex”.

“We are all equal,” aniya. “We should always remember that the beautiful game of volleyball is for all and not just for select few. We will not be surprised if this event evolves into a more serious, annual tournament in the future.”

Ilan sa inaasahang sasagupa sa torneo ay ang Team Braganza, Competitive Volleyball Group, Sesahood, IEM A at IEM B.

(Angie Oredo)