Sa ika-15 Oplan Galugad ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prisons (NBP), giniba ang dalawang palapag na kubol ni Herbert “Ampang” Colanggo.

Nakumpiska sa raid ang mga sumpak, bala ng shotgun, kutsilyo, telebisyon, cable wires at router.

Si Colanggo ang lider ng Ampang Colanggo robbery syndicate na naging kontrobersysal matapos makapag-release ng record album na umabot pa sa platinum, habang nakakulong sa NBP.

Nabatid na sa loob mismo ng Bilibid, inirekord ang nasabing album sa pamamagitan ng state of the art facilities na illegal na ipinasok sa kulungan. (BethCamia)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador