oward copy copy

HOUSTON (AP) — Sinuspinde ng NBA si Rockets center Dwight Howard para sa laro laban sa Miami Heat sa Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila) bunsod nang pagtabig sa kamay ng referee sa krusyal na sandali sa kabiguan ng Rockets laban sa Washington Wizards nitong linggo.

Sa inilabas na desisyon ng liga, ang suspensyon na walang kabayaran kay Howard ay bunga ng kanyang ginawang pagtabig sa kamay ng opisyal sa 123-122 pagkatalo ng Rockets sa Wizards noong Sabado (Linggo sa Manila). Pinagmulta naman si Houston coach J.B. Bickerstaff ng US$10,000 dahil sa pang-iinsulto sa mga opisyal sa publiko.

Napatalsik si Howard sa naturang laro kung saan napatawan siya ng ikalawang technical foul may 8:08 ang nalalabi sa laro matapos niyang itulak si Wizards forward Nene sa kanilang pag-aagawan sa rebound. Tulad ni Howard, napatalsik din sa laro si Nene dahil sa ikalawang technical foul.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tinawagan si Howard sa unang technical foul nang pabirong tungkuran ng siko ang batok ni Chris Dudley matapos na tawagan ang huli ng flagrant foul . Napatalsik din sa laro si Howard laro nitong Biyernes at sa kabuuan ng season, nakakuha siya ng 12 technical fouls.

“These referees need to be held accountable for letting people attack Dwight and be that physical with him,” pahayag ni Bickerstaff matapos ang desisyon na patalsikin si Howard sa laro.

“And dirty. It’s not physical. If they let Dwight be physical and the game be clean, that’s one thing. But, they’re not clean with the way they play. We don’t mind being physical. We’re not afraid of that, but cheap is one thing. Playing to grab somebody’s shoulders. Grab somebody’s arms. That’s not clean basketball,” aniya.