ATHENS, Greece (AP) — Naparalisa ang mga serbisyo sa buong bansa nitong Huwebes nang mag-alisan sa kanilang mga trabaho ang mga Greek sa malawakang general strike na nagresulta sa pagkakansela ng mga flight, ferry, at public transport, at pagsasara ng mga eskuwelahan, korte, at pharmacy, at tanging emergency staff ang naiwan sa mga ospital.

Nanawagan ng strike ang mga unyon upang iprotesta ang mga reporma sa pension na bahagi ng ikatlong international bailout ng Greece. Sinisikap ng gobyerno na ireporma ang problemadong pension system sa pagtataas ng kontribusyon sa social security para hindi mabawasan ang mga pension, ngunit sinabi ng mga kritiko na mawawalan ng two-thirds ng income ang karamihan dahil sa mga kontribusyon at buwis.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina