Magiging instant celebrity ang Manilenyo na papalaring magwagi sa unang singing contest ng Maynila na tinawag na Tinig ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, bukod sa kalahating milyong pisong premyo, papipirmahin rin ng recording contract ng Viva ang grand winner ng patimpalak.

Nabatid na ang naturang talent search ay proyekto ng Manila City Hall, sa ilalim ng Sulong Manila Program ni Estrada, at sa pakikipag-ugnayan ng Viva Live Inc..

Ang audition para sa contest ay isinagawa noon pang Nobyembre 21, at ang semi finals ay isinagawa noong Enero 30 at 31, at pinili ang 12 grand finalist, na binubuo ng tig-dalawang kinatawan sa bawat distrito ng lungsod.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iniharap na sa media ang 12 grand finalists.

Bukod sa grand winner, tatanggap naman ng P300,000 ang first placer sa patimpalak, at P200,000 ang maiuuwi ng second placer.

Hindi pa tinukoy kung kailan isasagawa ang grand finals na ieere ang delayed telecast sa TV5. (Mary Ann Santiago)