Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng isang grupo ng gun owners na humahamon sa legalidad ng gun ban na sinimulang ipatupad nitong nakaraang buwan ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa May 2016 election period.

Sa press briefing, sinabi ni SC Spokesman Theodore O. Te na ibinasura ng Mataas na Korte ang petisyong inihain ng Go Act, isang grupo ng gun owners na pinamumunuan ni Eric Acosta bilang president.

“The Court dismissed the petition for mandamus with application for preliminary mandatory injunction and status quo ante orders on the ground that the Comelec did not gravely abuse its discretion in issuing the challenged Resolution Number 10015 dated November 15, 2015,” sabi ni Te. (Rey G. Panaligan)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji