Boobsie, Ate gay, Papa Jack, at Chuchay-Boobsie-Papa-Jack at Gladys copy

NALULULA si Boobsie Wonderland kapag iniisip niya na makakatuntong siya ng Smart Araneta Coliseum bilang performer at panonoorin siya ng concertgoers.

Ilang beses na rin naming naipagprodyus ng show si Boobsie sa Zirkoh at kung lumalabas man siya sa nasabing comedy bar ay pawang corporate shows lang at pinakamalaki na yatang venue niya ang World Trade Center noong 2015 na aniya, “Iilan lang ang tao (nanonood).”

Kasama si Boobsie Wonderland sa Valentine concert na Panahon Ng May Tama #ComiKilig sa Pebrero 13 kasama sina Gladys Guevarra na kilala bilang si Chuchay, Ate Gay at Papa Jack mula sa direksiyon ni Andrew de Real at produced ni Joed Serrano for CCA Entertainment Productions Corporation.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“As in grabe rin ang pagkamangha ko,” kuwento ni Boobsie. “Minsan najo-joke ko lang na balang araw magso-show din o mapapasama rin ako diyan na mag-concert sa Araneta Coliseum. Kasi, magaling akong performer at pangmasa. Ito na nga siya.

“Kaya very thankful po talaga ako kay Mr. P (tawag niya kay Joed Serrano, as in Mr. Producer) at nakita niya ang talento ko. Yahoooooo! Thank you po Lord!”

Anong klaseng show nga ba ang gagawin nina Boobsie, Ate Gay, Papa Jack at Chuchay?

“Total package po ito, total performer, as in po. ‘Ika nga, siksik, liglig, at umaapaw sa saya ang mapapanood nila sa Araneta,” mabilis na sabi ng babaeng hindi naman totoong puro boobs lang ang mapapansin dahil talaga namang napakagaling sa comedy. (Reggee Bonoan)