JULIA copy copy

HINDI porke’t artista ay perpekto na. Kabilang ang Star Magic talent at isa sa ABS-CBN’s princesses na si Julia Montes sa mga artista na itinuturing ng mga ordinaryong tao na isa sa kanila.

Bagamat bata pa at napakaganda, hindi kuntento si Julia sa hugis ng kanyang mukha. Pakiramdam niya ay masyado itong bilugan at hindi siya komportable kapag napapanood niya ang sarili sa telebisyon na tila mas mataba kaysa sa tunay na hitsura niya sa personal.

Kaya agad nakumbinsi ang young actress na sumailalim sa latest breakthrough beauty solution ng Belo Medical Group (BMG) na tinatawag na Face Out Fat. Sa Face Out Fat, natatamo ang slimmer face sa pamamagitan ng non-invasive treatments. Alam kaagad ni Julia na ito ang nababagay na treatment para sa kanya.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

“As soon as Dr. Vicki Belo gave us this option, I was very happy to really explore the idea of doing it,” kuwento ng dalaga. “It was addressing my concern quite specifically and I knew that by doing it, it will give me more confidence to do my job. Now, I’m very happy with the result and many people have noticed my slimmer face.”

Ipinaliwanag ng doctor to the stars na mahusay na isinasagawa ang Face Out Fat facial slimming procedures. Ang ilan sa mga ito ay ang Botox Masseter, Exilis para sa mukha at Ulthera .

“The great thing about these procedures is that they give very noticeable results. Many of these procedures are quick and you can resume your daily routines in a few minutes. It’s the best option for busy individuals like Julia who can’t afford to go through a long recovery period,” pahayag ni Dra. Belo.

Makikita ang magic touch ni Dra. Belo sa billboard ni Julia na ikakabit na sa iba’t ibang lugar ngayong buwan. Tiyak na makikita agad ang lalo pang pagganda ng young actress.