Coco-Martin-as-Paloma copy

SINO ang mag-aakalang may kamukha si Coco Martin bilang si Paloma Picache? Akalain mo, parang pinagbiyak na bunga sina Paloma at ang estudyanteng si Janice Adams na taga-Bukidnon.

Nagulat si Janice nang i-post niya ang litrato niya sa Faceboook account niya dahil nag-trending kaagad at binansagan na siyang Paloma sa kanilang eskuwelahan.

Tuwang-tuwa naman si Coco na hindi inaasahang may kamukha pala siya sa karakter niyang si Paloma.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Bukod dito, nagkaroon na rin ng beauty contest na Miss Paloma para sa mga lalaking kumukuha ng Criminology sa isang eskuwelahan sa Pangasinan. Kaya labis-labis ang pasasalamat ni Coco sa pagtangkilik sa kanyang karakter sa aksiyon seryeng Ang Probinsyano.

Bukambibig ng publiko si Paloma at talagang inaabangan ng televiewers kaya buhay na buhay na naman ang action-drama sa telebisyon. Umaani ng magagandang rebyu at ratings ang serye na nagtala ng 45.9% noong Lunes, Pebrero 1 kumpara sa katapat nitong programa na nakakuha ng 18.1%, mahigit sa kalahati ang lamang.

Maging ang mga kakilala naming TFC subscribers ay inaabangan si Paloma at ang sabi sa amin, “Sana mag-show dito (U.S.) si Coco na naka-Paloma.” Parang imposibleng gawin iyon ng actor.

Masaya si Coco dahil bukod sa idea niya ang karakter na Paloma ay buhay na ulit ang aksiyon sa telebisyon.

“Nakakatuwa kasi, sabi ko nga, magdire-diretso na mabuhay ulit ang action film para marami tayong matulungan, lalung-lalo na ‘yung mga stuntman, mga action director, ‘di ba?”

Layunin talaga kasi ni Coco na mabigyan ng trabaho ang mga kasamahan sa industriya na hindi na hindi masyadong aktibo ngayon. Puring-puri ng mga taga-showbiz ang magandang pakikisama ng Primetime King sa lahat at lalo na ang mga adbokasiya niya.

Samantala, pigil-hininga ang mga tagasubaybay sa episode ng Ang Probinsyano noong Lunes nang mabenta si Paloma ng kalahating milyon sa isang banyaga para sa isang gabi, pero hindi nangyari dahil alam nang nag-disguise lang siya bilang agent. Nailigtas na ni Cardo si Bela Padilla pero binaril ni Richard Yap alyas Philip Tang si Paloma kaya agaw-buhay siya sa episode noong Martes.

Nalaman na rin ito ng Lola Kap (Susan Roces) ni Cardo kaya sumugod ito sa hospital na pinagdalhan sa apo.

Mantaking umakyat na sa 46.7% ang rating nang gabing iyon!

Samantala, gigil na gigil naman si Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) na nasapawan na naman siya ni Cardo Dalisay sa pagliligtas kay Bela, kaya inatasan niya ang mga kasamahang miyembro ng sindikato na patayin na ang probinsyano.

Takang-taka naman ang mama ni Joaquin na si Verna (Agot Isidro) kung bakit ganu’n na lang ang gigil ng anak na hindi nito nailigtas si Bela.

Inaabangan ng avid viewers ng serye kung tuluyan nang mamamatay ang character ni Paloma o kung ganoon ang mangyayari, ano ang susunod na disguise na gagampanan ni Cardo.

May suhestiyon ang kasama namin sa bahay, “Pakisabi, ate, puwedeng maging lola o ala-Mrs. Doubtfire (1993) na ginampanan noon ni Robin Williams na nanalo siya bilang Best Actor for Golden Globe Award.

Going back to Coco Martin, sigurado na kami na mananalo rin siyang best actor sa susunod na taon bilang si Paloma.

(REGGEE BONOAN)