Labinwalong katao, kabilang ang isang bata, ang nalason matapos kumain ng panis na spaghetti sa Barangay Conel, General Santos City, South Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng General Santos City Police Office (GSCPO), isinugod sa Dr. George P. Royeca Memorial Hospital ang mga biktima ng hinihinalang food poisoning.

Napag-alaman ng pulisya na ang spaghetti ay nanggaling kay Angel Ybañez, ng Purok 3, Bgy. Conel, ng nasabing lungsod. Natira umano ang spaghetti sa mga inihanda para sa kaarawan ng anak ni Ybañez kamakailan.

Pinaniniwalaang panis na ang spaghetti na kinain ng mga biktima na nakaranas ng pagsakit ng tiyan, pagsakit ng ulo, at pagtatae. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito