Puwersado ang mga national weightlifters sa pamumuno nina two-time Olympian Hidilyn Diaz at Asian Games veteran Nestor Colonia na sumabak sa team event upang masiguro ang kani-kanilang silya sa pinakaaasam na 2016 Rio De Janeiro Olympics sa Brazil.

Sinabi ni POC Cluster head Romeo Magat na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pormalidad o black and white na makapagpapatunay na sigurado na ang ikatlong pagkakataon na makapaglalaro sa quadrennial meet si Diaz habang puwersado si Colonia na sumabak sa natitirang mga qualifying para sa asam na unang pagsabak sa Olympics.

“With regards to weightlifting, wala pang black and white to formalize Diaz participation in the Olympics. We were told that she (Diaz) and Colonia must be in third place to qualify. Lately, we were told that our weightlifters now must compete in the team event in the last tournament in Uzbekistan to maintain their ranking,” sabi ni Magat.

Ipinaliwanag pa ni Magat na kinakailangan ng Philippine Weightlifting Association (PWA), na pinamumunuan ni Roger Dullano, na magpadala ng apat na babae at anim na lalaki sa lalahukang torneo sa Uzbekistan upang mas mapataas nito ang tsansa na makakuha ng sapat na puntos para sa Rio.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“If ever, or if their entry is formalized, then Hidilyn and Nestor will be sent to Chiangi, China or in Tuskhent for at least a 2 or 3 months training prior to Rio Games,” sambit ni Magat.

Nagawa ni Diaz na magwagi ng tansong medalya sa snatch, clean and jerk at total lift sa sinalihan nitong women’s 53 kilogram division sa International Weightlifting Federation (IWF) World Weightlifting Championship noong Nobyembre 22 sa George R. Brown Convention Center sa Houston, Texas. (ANGIE OREDO)