NAGDUDUMILAT ang International Federation of Journalist (IFJ) sa kanilang naging pahayag na: Ang Pilipinas ang pangalawang pinakamapanganib na bansa para sa mga mamamahayag. Ang Iraq ang nangunguna, sinundan ng Pilipinas, at Mexico naman ang pangatlo. Ibig sabihin, sa kabuuang 2,297 global media killings ay 309 sa mga napatay ay mula sa Iraq, 146 sa ating bansa, at 120 naman ang mula sa Mexico. Ang iba pa ay napatay sa mga bansa na talamak din ang walang patumanggang pagpaslang sa mga peryodista na ang tanging misyon ay mangalap ng mga balita na dapat malaman ng mga mamamayan.

Walang dapat ipagtaka sa naturang ulat ng IFJ. Katunayan, hindi na bago sa ating pandinig na ang Pilipinas ang pinakamapanganib na lugar para sa mga journalist. Kabilang sa naturang media group ang Reporters Without Borders at mga delegado sa kumperensiya ng Confederation of Asean Journalists (CAJ) na dinadaluhan din ng ilang kinatawan ng IFJ.

Nagkakaisa ng paninindigan ang local at international media sa walang habas na pagpatay ng ating mga kapatid sa propesyon: Paghahari ng culture of impunity. Nangangahulugan na halos lahat ng media killing ay hindi naaaksiyunan ng mga awtoridad ng mga nabanggit na bansa; patuloy ang pagpaslang sa media men at patuloy din ang kawalan ng pagsisikap upang dakpin, litisin, at parusahan ang mga salarin na tila hindi nasasaling o ayaw tugisin ng mga alagad ng batas.

Ang ganitong sitwasyon ay karaniwang nasasaksihan sa ating bansa. Katakut-takot na media men na ang nabibiktima ng kasumpa-sumpang culture of impunity. Sa dami ng pinaslang na mamamahayag, wala akong natatandaang nahatulan. Ang karamihan ay nililitis pa sa mga hukuman at ang iba pang mga suspek ay patuloy sa pagpatay.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Paulit-ulit na nating itinatanong: Hanggang kailan magdurusa ang mga naulila ng mga peryodista na biktima ng karumal-dumal na Maguindanao massacre noong 2009? Masyadong mabagal ang pag-usad (o hindi na umuusad) ang hustisya.

Hindi pa nadadakip ang ibang pang pinaghihinalaan samantalang ang ibang pangunahing suspek ay pinalaya dahil sa

piyansa. Bukod pa rito, ang iba pang miyembro ng media na biktima rin ng nakaririmarim na pagpaslang na sinasabing udyok ng ilang pulitiko.

Dahil sa pagiging mistulang danger zone ng Pilipinas, hindi malayo na pati ang ating turismo ay malumpo. Kabi-kabila ang advisory hinggil sa pagbabawal ng mga bansa sa kanilang mga mamamahayag na bumisita sa Pilipinas. Isa itong wake-up call sa administrasyon. (CELO LAGMAY)